• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

9ID Nakiisa sa Sambayanan sa Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan; Pnoy Pinangunahan ang okasyon sa Naga

 

 

Camp Elias Angeles, Pili, Camarines Sur- Nakiisa ang 9th Infantry Division ng Philippine Army sa sambayanan at sa mga bikolano sa pagdiriwang ng Ika-116 ng Araw ng Kalayaan na may temang “Pagsunod sa Yapak ng mga Dakilang Pilipino, Tungo sa Malawakan at Permanenteng Pagbabago”.

 

Pinangunahan ng Pangulo at Commander in Chief ng AFP, Benigno S. Aquino III ang okasyon sa Lungsod nang Naga kasabay ng pagtaas ng watawat at pag-alay ng bulaklak sa Monumento ng 15 Martir ng Bikol sa Plaza Quince Martires.

 

Binigyan din ng parangal o 21 gun salute ng AFP ang naturang mga martir.

 

Kasama ng Pangulo sa seremonya sina General Emmanuel T. Bautista, Chief of Staff ng AFP; Congresswoman Leni Robredo, 3rd District, Camarines Sur; Mayor John Bongat ng nabanggit na lungsod at Maria Serna I. Diokno, Chairperson ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP).

 

Napili ang Lungsod ng Naga ngayong taon na isa sa mga mahalagang lugar na pinagdausan ng pagdiriwang ng anibersaryo ng pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas at lugar na pinuntahan ng pangulo bilang panauhing pandangal at tagapagsalita bilang pagkilala sa mga Martir ng Bikol na nag-alay ng buhay para sa kalayaan nang bansa na atin nang tinatamasa.

 

Ayon Kay Congresswoman Robredo “hindi ipinipipilit ang kabayanihan, ito’y pinipili, ngunit hindi ito madaliang pinipili. Nanatiling pinakamahalagang sangkap ang kabayanihan; ang pagpanig   sa kapakanan ng iba bago ang sarili. Pinili ng 15 martir natin na ialay ang kanilang buhay sa gitna nang pagkakataon na mabuhay nang mariwasa at malaya sa ibang bayan. Pinili nilang kalimutan ang pansariling kapakanan at sa pag-aalay na eyon nagsimula ang marami at mahahalagang bagay na naging dahilan kung bakit higit na maayos ang mga panahong ito ang ating kalagayan. Katunayan dito mismo ginugunita tuwing Ika-4 ng Enero ang Quince Martires ng kabikolan, matapos hulihin, pahirapan at hatulan nang hindi dumadaan sa tamang proseso   ng paglilitis. Binitay ang 11 sa 15  tinaguriang anak ng Bikol sa Bagong Bayan (Luneta) limang araw matapos barilin si Rizal, sa apat na natira, dalawa ang namatay sa kulongan at ang dalawa ay ipinatapon sa isla sa Africa at kalaunay namatay din”.

 

Binigyan diin ni Robredo na hindi na natin kailangan pang mamatay sa kamay ng mga dayuhan, ang kailangan natin ang mabuhay ng marangal para sa lupang tinubuan.

 

Ayon umano sa kanyang namayapang asawa na dating Mayor ng Naga at DILG Secretary Jesse Robredo “ upang magtagumpay ang ating bayan nawa’y gawin nating bayani ang karaniwang mamamayan”. Panahon na upang gawin nating bayani ang ating mga sarili dagdag pa ng Congresswoman.

 

Ayon naman   sa Pangulo bilang tagapagmana ng kalayaan na ipinaglaban ng ating mga ninuno na tungkulin nang bawat isa sa atin na hindi na hayaang bumalik ang ating bansa sa dati nitong kalagayan.  

 

Kabilang sa mga lugar na pinagdausan din nang katulad na okasyon: ang Rizal National Monument, Rizal Park Manila; Emiilo Aguinaldo Shrine, Kawit, Cavite; Barasoain Church Historical Landmark, Malolos City, Bulacan; Pinaglabanan Memorial Shrine, San Juan City; Bonifacio National Monument, Caloocan City; Mausoleo de los Veteranos de la Revolucion, North Cemetery, Manila at Pamintuan House sa Angeles City.

 

Ang okasyon ay dinaluhan din ni DND Secretary Voltaire Gazmin, mga dignitaries mula sa AFP na kinabibilangan nina Lt. Gen. Hernando DCA Iriberri, Commanding General ng Philippine Army, Southern Luzon Command Commander Lt. Gen. Caesar Ronnie F. Ordoyo, 9ID Commander Maj. Gen Yerson Depayso, at iba pang opisyal mula sa Army, Navy, Air Force, Cost Guard,   PNP, iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan at iba pang mga bisita.

 

Naglunsad din ang 9ID ng “ Kampo Bayanihan” Photo Static Display at Disaster Response Operations (DRO) Capabilities sa Plaza Quezon   sa Naga at sa iba pang lugar.

 

Samantala, nagkaroon din simultaneous flag raising and wreath laying ceremonies sa Headquarters ng 9ID, sa tatlong Infantry Brigades at sa mga Battalions na nasasakupan nito sa buong Bikol bilang pakikiisa at pagbigay pugay sa kalayaan na tinatamasa ng mga Bikolano at insperasyon sa mga sundalo na patuloy na gampanan ang sinumpaang tungkulin na bantayan at protektahan ang ating mga kababayan.