• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Mataas na Kalibre ng Armas at mga kagamitan ng NPA Narekober sa Engkwentro sa Sorsogon

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Tatlong matataas na kalibre ng armas ang narekober ng mga sundalo ng 31st Infantry Battlion ng Philippine Army mula sa mga New People’s Army kasunod ng engkwentro dakong alas 10:30 ng umaga kanina (July 14) sa Bayan ng Bulusan, Sorsogon.

 

Ang mga armas ay kinabibilangan ng isang M16 rifle, M79 Grenade Launcher at isang KG9. Narekober din sa naturang engkwentro ang isang handheld radio at tatlong Improvised Explosive Device (IED).

 

Sa ulat na nakarating sa Punong Himpilan ng 9th Infantry Division habang nagsasagawa ng security operation sa Sityo Kaperikuhan, Barangay San Isidro ang mga sundalo sa pamumuno nina 1Lt. Garcia ng Charlie Company at 1Lt. Tapic ng Bravo Company nang makasagupa ang mahigit kumulang 25 NPA sa pamumuno nina Ka Omie, Ka Abe at Ka Hazel ng Larangang 1 Komiteng Probinsiya KOMPROB Sorsogon.

 

Umabot ng 25 minuto ang sagupaan hanggang sa mapilitan na magsitakas ang mga rebelde patungo sa direksiyon ng Barangay Sta. Lourdes sa Bayan ng Barcelona sa lalawigan.

 

Ito na ang pang Anim na engkwentro na naitala sa lalawigan ng Sorsogon ngayong taon pinakahuli ang nakaraang sagupaan noong buwan nang mayo sa bayan ng Gubat.

 

Ayon kay Maj. Gen. Yerson Depayso, Pinuno ng Army sa Bikol ang mga serye ng engkwentro sa lalawigang ito ng Sorsogon ay resulta nang pakikipagtulongan ng mga residente na kaagad na nagpapaabot ng impormasyon hinggil sa mga aktibidad ng NPA.

 

Indikasyon na rin ito na nawawalan na nang suporta mula sa masa ang rebeldeng grupo kaya madali silang matunton ng mga sundalo dagdag pa ni General Depayso.

 

Tiniyak naman ng Philippine Army na patuloy na babantayan ang siguridad sa lugar laban sa mga tangkang paghasik ng kagulohan ng mga NPA.