• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

DRRU ng 9ID Naka-alerto dahil sa Bagyong Glenda

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Naka-alerto ngayon ang mga Disaster Response and Rescue Units ng 9th Infantry Division ng Philippine Army sa buong Bikol para sa posibleng operasyon at epekto ng Bagyong “Glenda”.

 

Binubuo ito ng nasa 660 na mga rescuers mula sa tatlong Infantry Brigades, limang Infantry Battlions at ng Division headquarters na patuloy na nakasubaybay sa kalamidad.

 

Nakipag-ugnayan na rin ang mga 9ID DRRUs sa mga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council at Municipal Risk Reduction and Management Council PRRMC/MRRMC para sa mabilisang tugon na posibleng mangyari sa kani-kaniyang lugar dahil sa banta ng kalamidad.

 

Binabantayan na rin ang mga pantalan, mga flashflood, at landslide areas para sa agarang paglilikas ng mga apektadong residente.

 

Inaasahang mabilis ang pagbibigay ng tulong sa mga residente dahil sa mga serye ng disaster preparedness training na pinag-daanan ng mga rescuers.

 

Kabilang sa pinagdaanan nilang training ang Water Search and Rescue kung saan isang batch ng mga rescuers mula sa 22nd Infantry Battalion ang magtatapos ngayong araw sa Office of Civil Defense sa Legazpi City.

 

Sumusuporta naman ang 9ID sa kampanya hindi lamang ng pamahalaang panlalawigan ng Albay sa ‘zero casualty’ tuwing may kalamidad kundi sa buong rehiyong Bikol.

 

Pinapag-ingat naman ng pamunuan ng 9ID ang mga sibilyan sa bagyo sa mga oras na ito, kung saan nakabandera ang Signal number 2 sa Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, Albay at Sorsogon at Signal number 1 naman sa islang lalawigan ng Catanduanes.