• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Pampasabog, Kagamitan ng mga rebelde Nasamsam

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Pampasabog at Ilang kagamitan ng mga New People’s Army (NPA) ang nasamsam ng mga sundalo makaraang magsagawa ng pag-harass ang mga rebelde sa Detachment ng   Charlie Company ng 22nd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Sityo Dinumpilan, Barangay Malinao sa Bayan ng Libmanan, Camarines Sur dakong alas 2:30 ng madaling araw, Setyembre 26.

Ang mga narekober ng mga sundalo mula sa rebeldeng grupo ay kinabibilangan ng isang landmine na may 50 metrong wire, isang rifle grenade, poncho at mga basyo ng bala mula sa mataas na kalibre ng armas.

Sa ulat na nakarating sa Punong Himpilan ng 9th Infantry Division, nagawang makubkob ng mga sundalo ang pwestong inukupa ng mahigit kumulang 7 NPA ilang metro ang layo mula sa detachment matapos ang kalahating oras ng pagpapalitan ng putok.

Walang naiulat na nasugatan sa panig ng pamahalaan at hindi naman matiyak sa panig ng mga rebelde.

Pinaigting naman ng mga sundalo ang seguridad sa lugar at ang mahigpit na pagmamanman sa aktibidad ng mga NPA.

Nanawagan naman ang Philippine Army na patuloy na makipagtulongan ang mga sibilyan at kaagad na ipaabot ang impormasyon hinggil sa rebeldeng grupo.