• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Philippine Army Patuloy na isusulong ang Katahimikan sa Bikol Kasabay ng Paggunita sa National Human Rights Consciousness Week

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Patuloy na isusulong ng 9th Infantry Division ng Philippine Army ang katahimikan sa rehiyon ng Bikol kasabay ng paggunita sa National Human Rights Consciousness  Week.

Ito ang tiniyak ni 9ID Commander Maj. Gen. Yerson Depayso na ikinagalak ang patuloy na pakikipagtulongan ng lahat ng stakeholders sa minimthing pangmatagalang katahimikan.

Ipinagbunyi din niya na “Zero  Human Rights Violation ang Army sa rehiyon noong taon 2013 sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Tiniyak ni Maj. Gen. Depayso na patuloy na poprotektahan at igagalang ng mga sundalo ang karapatang pangtao ng bawat Bikolano maging ng buong Filipino.

Magagawa anya ito sa pagiging disiplinadong sundalo tulad ng isinusulong na motto ng AFP Chief of Staff “ KAWAL DISIPLINADO, BAWAL ABUSADO, DAPAT ASINTADO”.

Pinangunahan naman ni 9ID Assistant Division Commander Brig. Gen. Felix J. Castro, Jr. ang pagpasumpa sa mga sundalo  na mananatiling tagabantay ng karapatang pangtao kasabay ng Pagpugay sa Watawat  noong Lunes.

Ang tema ngayong taon “Mamamayan at Pamahalaan Kapit Bisig sa Pagsulong ng  Karapatan sa Kaunlaran”.