• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Philippine Army Nakarekober ng Armas at kagamitan ng NPA sa Albay

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Nakarekober ng armas at mga kagamitan ng mga rebeldeng New People’s Army ang 2nd Infantry Battalion, Philippine Army sa pamumuno ni 1Lt. Joel Pedregosa kasunod ng isinagawang security operation dakong alas 8:25 ng umaga kanina, Enero 21, sa Barangay Cagbacong, Legazpi City Albay.

 

Ayon kay Col. Raul Farnacio, Brigade Commander ng 901st Infantry Brigade, kaagad siyang nagpadala ng mga sundalo sa lugar matapos makatanggap ng report mula sa mga sibilyan hinggil sa presensiya ng mga rebelde.

 

Hindi na inabutan ng mga sundalo ang mga rebelde, pero naiwan ang kanilang mga kagamitan sa isang koprahan kung saan sila namataan.

 

Ang mga narekober ay kinabibilangan ng isang Cal. 9MM Pistol, apat na Improvised Explosive Device (IED), 15 metro ng electrical wire, duyan at mga subersibong dokumento.

 

Tiniyak ni Col. Farnacio na babantayan ng mga sundalo ang kaligtasan ng mga residente na ayaw ng makita ang presensiya ng mga rebelde.

 

Nanawagan naman si Maj. Gen. Yerson Depayso, Commander ng 9th Infantry Division sa mga residente sa lugar na makipagtulongan at kaagad na ereport ang mga NPA upang matigil na ang ilegal nilang mga aktibidad na nagdudulot ng kapahamakan sa mga sibilyan.