• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Kasapi ng NPA Boluntaryong sumuko sa Pamahalaan

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Makalipas ang ilang serye ng negosasyon, boluntaryong sumuko sa 2nd Infantry Battalion, Philippine Army ang isang kasapi ng rebeldeng New People’s Army dakong alas 8:00 ng umaga, Enero 21, sa Barangay Taplacon sa Bayan ng Camalig sa Lalawigan ng Albay.

 

Ipinasailalim na sa costudial debriefing ang NPA na kinilala sa alyas na Vic/Ric na kasapi ng Kilusang Larangan Gerilya, Komiteng Probinsya ( Komprob)- Albay.

 

Nakikipag-ugnayan na ang 9th Infantry Division sa Lokal na pamahalaan sa lalawigan upang mapasama ang rebelde sa mga programang pangkabuhayan na isinusulong lalo na ang Comprehensive Local Integration Program (CLIP).

 

Nananawagan si 9th Infantry Division Commander Maj. Gen. Yerson Depayso sa iba pang kasapi ng NPA na magbalik-loob na rin sa pamahalaan at yakapin ang programang pangkapayapaan na isinusulong para sa rebeldeng grupo. Noong nakaraang taon 2014, ilang dating rebelde ang nabigyan ng tulong pinansiyal at mga programang pangkabuhayan mula sa lokal na pamahalaan na magagamit nila sa kanilang pagbabagong buhay.

 

Umaasa ang pamahalaan na marami pang rebelde ang mahihikayat na isalong na lang ang kanilang armas at makipagtulongan upang makamtan ang inaasam na kapayapaan na maghahatid ng kaunlaran dito sa rehiyon ng Bikol.