• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Wreath Laying Ceremony Isinagawa ng 9ID Bilang Pag-alala sa mga Pumanaw na Spear Troopers

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Ginunita ng 9th Infantry Division ng Philippine Army sa Bicol ang kabayanihan ng mga pumanaw na Spear Troopers sa isang Wreath Laying Ceremony na pinangunahan ni BGen Ferdinand M Quidilla, Commander ng 9ID, alas 7:30 ng umaga, Nobyembre 1.

Ang nasabing aktibidad isinagawa para gunitain at bigyan ng espesyal na pagkilala ang mga yumaong Spear Troopers na nag-alay ng kanilang mga buhay para sa pagtupad ng tungkulin para makamit ang tunay na kapayapaan at maunlad na lipunan.

Kasunod ng Wreath Laying Ceremony, isang banal na misa din ang ginanap sa St. Martin of Tours Parish bilang alay sa mga pumanaw na kawal.