• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Mga Gamit sa Pagawa ng IED Nadiskubre ng mga Sundalo sa Cam Norte

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Nadiskubre ng mga elemento ng 49th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Bicol ang mga nakatagong gamit sa pagawa ng Improvised Explosive Device (IED) sa Brgy Sta.Rosa ng Bayan ng Jose Panganiban sa Lalawigan ng Camarines Norte, Nobyembre 6.

Sa ulat na nakarating sa Punong Himpilan ng 9ID, nagsagawa ng security operation sa lugar ang mga sundalo ng 49IB na pinamumunuan ni Lt Parale ng madiskubre nila ang 3 kilo ng Ammonium Nitrate, 107 na fuse blasting cap at 100 metro ng detonating cord.

Agad na nagsagawa ng imbestigasyon sa lugar ang local na pulisya ng Jose Panganiban kasabay ng pagpapahigpit ng seguridad dito.

Samantala, patuloy ang pananawagan ng pamunuan ng 9ID na agad na ipagbigay alam sa pinakamalapit na kampo ng pulis at militar kung may mga kahinahinalang bagay na makikita sa kanilang lugar.

Mariing kinukundena ng 9ID ang paggamit ng IED na isang paglabag sa International Humanitarian Law at nakakapaminsala ng buhay ng tao lalo na sa mga inosenteng sibilyan.