• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Spear Troopers Nakiisa sa Blood Letting Activity sa Naga City

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur –Nakiisa ang 9th Infantry Division ng Philippine Army sa Bicol sa isang Bloodletting activity na ginanap sa LCC Mall Event Center sa Naga City, Nobyembre 14.

34 na Spear Troopers ang ipinadala ng 9ID para maging mga blood donors sa nasabing aktibidad na may temang “Dugong Bombo: A Little Pain, A Life to Gain” at pinangunahan ng DZNG Bombo Radyo Philippines at Philippine National Red Cross (PNRC) katuwang ang Bicol Medical Center (BMC) Blood Bank and Transfusion Services.

Nakiisa din sa naganap na blood-letting activity ang Philippine National Red Cross, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, mga estudyante ng PCCI at mga civilian volunteers na galing pa sa ibat-ibang bayan ng Camarines Sur. 

Magiging benepisyaryo ng nasabing aktibidad ang mga mahihirap na pamilya sa Lungsod ng Naga at Lalawigan ng Camarines Sur na nangangailangan ng dugo.

Ang partisipasyon ng 9ID sa bloodletting activity ay bahagi ng mga programa nito na makapagbigay ng serbisyo sa mga mahihirap na kababayang bikolano. Pagpapakita rin ito ng suporta sa programa ng mga local at national media dito sa ating bansa.