Commander ng SOLCOM Maagang Bumisita sa 9ID para sa Kapaskuhan

Published on Saturday, 28 November 2015 14:28

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur  9th Infantry (Spear) Division Philippine Army  Isang buwan bago ang pasko, maagang binisita ni  LtGen Ricardo R Visaya, Commander ng Southern Luzon Command (SOLCOM)  ang  Spear troopers na nakabase sa Headquarters ng 9th Infantry Division, ngayong araw, November 25.

Ito ang pinakaunang yunit na binisita ni Lt.Gen Visaya sa paglilibot sa kanyang nasasakupang mga yunit sa katimugang Luzon. Ito rin ang unang pagbisita niya sa ilalim nang bagong pinuno ng 9ID na si BGen Ferdinand F Quidilla AFP. Pinaalalahanan niya ang mga kawal na maging lalong alerto at handa ngayong papalapit na ang kapaskuhan.

Binigyan-diin niya rin ang mensahe ni General Hernando DCA Iriberri sa papalapit na eleksiyon. Ayon kay CSAFP, dalawa lang ang tungkulin ng AFP, ang panatilihing mapayapa ang eleksyon at ang pagboboto ng tamang kandidatong tutulong sa kapayapaan at kaunlaran ng bansa.

Sinabi niya rin na siya ay nagtitiwala na sa pamamagitan ng kooperasyon at dedikasyon ng lahat bababa ang lebel nang insurhensiya sa ating lugar.

Hinimok niya rin ang mga sundalo na magtulungan para sa pagtupad nang misyon sa ilalim ng bagong Commander na si Bgen Ferdinand F Quidilla AFP.               

Kasunod sa pagbisita sa 9ID, nakatakda rin na bisitahin ni Lt.Gen Visaya ang 901st Infantry Brigade sa lalawigan ng Albay, 902nd Infantry Brigade sa lalawigan naman ng Camarines Norte at 903rd Brigade sa Lalawigan ng Sorsogon at mga battalions ng 9ID para sa pagdiriwang ng nalalapit na kapaskuhan.