• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Oath Taking ng 9ID Press Corps at Media Fellowship inilunsad sa 9ID

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur- Matagumpay na nailunsad ang Media Fellowship sa 9th Infantry Division ng Philippine Army na dinaluhan ng mga kagawad ng Media sa Print at Broadcast sa buong Bikol, Disyembre 9.

Ito na rin ang pormal na pagharap at pagpapakilala ni Brig. Gen. Ferdinand F. Quidilla sa mga taga media matapos manungkulan bilang pinuno ng Philippine Army sa Bikol noong Oktubre 29.

Ayon kay Brig. Gen. Quidilla malaki na ang ipinagbago ng rehiyon na simbulo ngayon ng katahimikan at kaunlaran hindi katulad noong araw  na masalimuot dulot ng matinding  insurhensiya. Ayon sa rekoleksiyon ni Gen. Quidilla, kapag nadestino  ang sundalo sa Bikol   ay tiyak na makakaranas ito ng madugong bakbakan.

Binigyan diin din ng Heneral ang malaking papel na ginampanan ng Media sa pagtulong sa   Philippine Army upang palaganapin ang impormasyon ukol sa mga programa at serbisyo sa ating mga kababayang Bikolano.

Bahagi ng matagumpay na aktibidad ay ang fun shoot at ang re-organization ng 9ID Press Corps na pamumunuan ngayon ni Arnel Eclarinal ng GMA-7. Sila ang katuwang  ngayon ng 9ID  sa pagsusulong ng lahat ng mga adhikain sa pagpapatupad ng IPSP “Bayanihan” at Army Transformation Roadmap.

Ang sumusunod ay ang mga pangalan ng bagong 9ID Press Corps:

President:                     Arnel Eclarinal, GMA-7

VP For Internal: Melvin Machado, TV5

VP For External Affairs:            

901 Bde:           Jinky Tabor, Bicol Peryodiko Catanduanes

902 Bde:           Ricky Pera, Cool Radio Daet

903 Bde:           Lyn Jimenez, Serbisyo TV – Sorsogon

Secretary:         Ma. Theresa L. Iraola, Radyo Natin Iriga

Treasurer:          Ronron  Enon, BBS DWLV Naga

Auditor:            Romar Vasquez, Love Radio

PIO:                  Mark Rodriguez, Hot FM Baao

Board of Directors:

                        Glenda C. Bearis,          MBC-Radyo Natin

Paul Santos,                 DWNX Naga

                        Ernie Cledera,               DWJR FM / Manila Bulletin

                        Jun Verdeflor,               Hot FM Baao

                        Mike Lotino,                  DWOS FM Naga

                        Elmer Registrado,         RPN DZKI Iriga

                        Celso Amo,                   Philippine Star

                        Connie Destura,            Philippine News Agency

                        Ronald Molina,  Brigada News FM

                        Donde Consuelo,          Brigada News FM

                               

Inaasahan na ang pagiging aktibo ng 9ID Press Corps at buong suporta ng media sa 9ID  ay maghahatid ng magandang serbisyo sa ating mga kababayan.