• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

ATR Orientation Seminar Isinagawa ng 9ID para sa mga Media Practitioners sa Bicol

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur- Sa hangarin ng Philippine Army na maibahagi ang mga programa na ginagawa upang makamit ang tunay na pagbabago, isinagawa ang dalawang araw na Army Transformation Roadmap Orientation Seminar para sa 18 kinatawan ng Tri-Media sa Bicol na ginanap sa himpilan ng 9th Infantry (Spear) Division, Disyembre 8-9, 2015.

Layunin ng nasabing seminar na mabigyan ng kaalaman ang media tungkol sa good governance mechanism ng Philippine Army tungo sa Army Vision na “By 2028, a world – class Army that is a source of national pride”.

Sa mensahe ni Col. Milfredo M. Melegrito, Chief of Staff ng 9ID, inilahad niya na dito sa Army Transformation Roadmap ang Philippine Army ay “Performing While Transforming”. Ayon sa kanya, kasabay sa pagtupad ng organisasyon sa nakaatang na responsibilidad na ipagtanggol ang ating bansa laban sa anumang banta, ay isinasagawa rin ng Army ang pagbabago sa loob ng institusyon para makapagbigay ng mas magandang serbisyo.

Tinalakay ni Lt Col. Danilo G. Ambe, Deputy 9th Governance and Strategy Management Office (9GSMO) sa nasabing orientation seminar ang ATR Overview at Commander 9ID Scorecard. Kasunod nito ang pagtalakay ni Mr. Nicolas Beda A. Priela, 9ID Multi-Sector Advisory Board member tungkol sa kahalagahan ng pagpapatupad ng Performance Governance System (PGS) para makamit ng Army ang minimithi nitong pagbabago.

Samantala, sa pagtalakay naman ni Maj. Jeffrex G. Molina, kinatawan mula sa himpilan ng Philippine Army sinabi niya na mula ng ipatupad ang Army Transformation Roadmap, nagkamit na ito ng magandang resulta sa net-trust and satisfaction ratings na isinagawa sa buong bansa. Patunay dito ang resulta ng survey ng Club Media Asia Inc. noong 2013 kung saan nakamit ng Army ang  +75 net trust rating, +70 net satisfaction rating at +68 rating sa nation-building contribution index.

Ang resulta ng survey ay patunay na mas tumaas ang community’s level of perception sa usaping integridad, propesyonalismo at pagiging masigasig Philippine Army mula ng itatag ang Army Transformation Roadmap taong 2010.