• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Maagang Pamaskong Handog ng 9ID sa mga Kapus-palad sa Missionaries of the Poor

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur- Naghandog ng maagang pamasko ang 9th Infantry (Spear) Division ng Philippine Army sa mga kapos-palad na nasa kalinga ng Missionaries of the Poor sa Brgy. Cararayan, Naga City, Disyembre 12.

Pinangunahan ni Col. Neneveigh L. Alcovindas, Commanding Officer ng Headquarters and Headquarters Service Battalion ng 9ID ang pamamahagi ng mga tooth brush at toothpaste, diapers para sa 100 na matatanda at 20 na bata, mga delata, bigas at iba pang mga pangangailangan ng mga may kapansanan na kinupkop sa nasambit na bahay-ampunan.

Dumalo din sa naganap na aktibidad ang mga kalahok sa Regional Youth Leadership Summit na siyang naging katuwang ng mga sundalo sa pamamahagi ng mga pagkain kasabay ng musical entertainment na handog ng 9ID Acoustic Band.

Matatandaan na nitong nakaraang Oktubre ay bumisita rin ang 9ID sa MOP at namahagi dito ng mga pangunahing pangangailangan para sa mga bata, may kapansanan at matatandang walang matutuluyan na nasa kanilang pangangalaga.

Ang naganap na Christmas Gift Giving ay bahagi ng mga programa ng 9ID para makapagbigay ng serbisyo sa mga Bikolano at maiparamdam sa mga kapos-palad ang diwa ng Pasko.