• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Regional Youth Leadership Summit Matagumpay na Nailunsad ng 9ID

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur- Matagumpay na nailunsad ng 9th Infantry (Spear) Division ng Philippine Army ang tatlong araw na Regional Youth Leadership Summit kung saan si Lt. Gen. Ricardo R. Visaya, Commander ng Southern Luzon Command ang naging panauhing pandangal at tagapagsalita sa Opening Ceremony  na ginanap sa Pe├▒afrancia Resort, Brgy Carolina, Naga City, Disyembre 10.

Ang mga kalahok sa nasabing aktibidad ay mga kabataan na may edad na 15-30 taong gulang mula sa tatlong probinsya ng Bicol na nakapagsagawa na ng Provincial Youth Leadership Summit. Sa 89 na dumalo, 40 sa mga ito ay mula sa Camarines Sur, 40 naman ang galing sa Camarines Norte habang 9 naman ang mula pa sa Catanduanes.

Layunin ng YLS na linangin ang mga kabataan para maging mga responsableng indibidwal at maging mga tagapagtaguyod ng kapayapaan. Dagdag pa dito ang hangarin na mabigyan sila ng mga tamang kaalaman para hindi na malinlang at sumapi sa grupo ng rebeldeng NPA.

Kasama rin sa layunin ng nasabing aktibidad ang maimulat sa kamalayan ng mga kalahok ang pangangalaga sa kapaligiran, mapagtibay sa kanila ang diwa ng nasyonalismo at mas malinang ang kakayahan nilang mamuno bilang mga lider sa darating na panahon.

Sa mensahe ni BGen Ferdinand F. Quidilla, Commander ng 9ID na siyang naging panauhing pandangal at tagapagsalita sa Closing Ceremony ng RYLS, sinabi niya sa mga kalahok na bilang mga kabataan, sila ang bagong pag-asa ng ating bansa at ang bawat sa kanila ay may kakayahan para labanan ang kahirapan. Ayon pa kay BGen Quidilla, para sa kanya hindi lang mga lider sa hinaharap ang mga kabataan ngayon kundi sila ang inaasahan para sa mga darating na panahon.

Hinimok din nya ang mga kabataan na makiisa, maging aktibo at kumilos para umasenso ang sarili at bayan at pinaalala rin niya na ang isang ideya o isang plano ay nananatiling walang saysay hanggang hindi isinasagawa.