• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

9ID Nakiisa sa Paggunita sa Ika-119 Anibersaryo ng Kabayanihan ni Dr. Jose Rizal

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur- Nakiisa ang 9th Infantry (Spear) Division ng Philipine Army sa paggunita sa ika-119 taong anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose P. Rizal na ginanap sa Bayan ng Pili, Camarines Sur, Disyembre 30.

Kasunod sa nasabing pagdiriwang, pinangunahan nina Hon. Alexis S. San Luis II, Municipal Mayor ng Pili at Lt. Col. Nelito C. Tan, 9ID Assistant Chief of Staff for Education and Training, G8 ang paghahandog ng bulalak sa monumento ni Jose Rizal sa isang Flag Raising at Wreath Laying Ceremony. Kasama rin sa mga nag-alay ng bulaklak si Hon. Vice-Mayor Rogelio Raymund Regondola, Sangguniang Bayan members, mga kinatawan mula PNP at DepEd, mga kinatawan mula sa Federation of Pili Youth Development, Knights of Colombus, Liga ng mga Barangay at mga Department Heads ng Local Government Unit ng Pili.

Samantala, sa mensahe ni Lt. Col Tan sinariwa niya ang mga kabayanihan ni Jose Rizal na ayon sa kanya ay isang napakalaking ambag para makamit ng bansa ang tinatamasa nitong kalayaan ngayon.  

Naghandog din ng 21 Gun Salute ang Spear Troopers bilang pagpupugay sa pagiging martir o kabayanihan ng Pambansang Bayani ng bansa.