• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Pagpapaputok ng NPA sa mga Sundalo at CAFGU sa Cam Sur Tahasang Paglabag sa Ceasefire

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur-Tahasang nilabag ng New Peoples’ Army ang umiiral na ceasefire matapos na paputukan ng mga ito ang mga sundalo at CAFGU ng 83IB at 22IB sa  Sitio Lakilaki, Brgy Scout Fuentebella, Goa, Camarines Sur dakong alas 4:00 ng hapon, Enero 1.

Nagsasagawa ng karaniwang barangay visitation sa nasabing barangay ang pinagsamang elemento ng 83IB at 22IB na pinangungunahan ni Sgt Noel Buenaflor ng paputukan sila ng mahigit kumulang na 10 NPA. Matapos ang halos 20 minutong palitan ng putok ay umatras ang NPA at narekober ng mga sundalo sa pinangyarihan ang isang M14 rifle, isang Galil 5.56 rifle at isang cal. 45 pistol kasama ang 8 IEDs at sari-saring bala ng baril. Walang naiulat na sugatan sa panig ng mga militar habang inaalam pa kung may nasawi sa panig ng mga rebelde.

Ayon kay Col. Claudio L. Yucot, 901st Infantry Brigade Commander, ang naganap na pag-atake ng NPA sa mga sundalo ay malinaw na paglabag sa umiiral na ceasefire. Dapat din maging tapat ang NPA sa pagdedeklara nila ng ceasefire. Ayon pa kay Col Yucot, hindi dapat sinasamantala ng NPA ang tigil-putukan para isagawa ang pag-atake sa mga tropa ng pamahalaan.

Samantala, ayon naman kay BGen Ferdinand F. Quidilla, 9ID Commander, tumutupad ang 9ID sa Suspension of Military Operations (SOMO) at ang mga isinasagawang barangay visitation ay hindi bahagi ng combat operations. Layunin lamang nito na masiguro ang seguridad sa paligid ng mga CAFGU Detachments. Pinuri din ni BGen. Quidilla ang kagitingan ni Sgt Buenaflor at ng mga sundalo sa pagtanggol ng kapayapaan dito sa Camarines Sur.