• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Army at NPA Nagkaengkwentro sa Albay

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur- Nagkasagupa ang mga sundalo at mga kasapi ng New Peoples’ Army o NPA dakong alas 6:00 ng umaga, Enero 18 sa boundary ng Brgy. Tupas at Brgy Tiongson na parehong sakop ng Ligao City sa Lalawigan ng Albay.  

Nagsasagawa ng security operations sa lugar ang mga sundalo ng 2nd Infantry Battalion nang makaengkwentro nila ang mahigit kumulang sa tatlong NPA.

Agad tumakas ang mga rebelde matapos ang limang minutong palitan ng putok. Walang nasugatan sa panig ng mga sundalo habang inaalam pa kung may mga sugatan o nasawi sa panig ng mga rebelde.

Nagsagawa na rin ng clearing operations ang mga sundalo sa lugar ng pinangyarihan.

Ayon kay BGen Ferdinand F. Quidilla, Commander ng 9ID, mas pinaigting ng 9ID ang seguridad sa mga lugar na ito dahil sa mga sumbong ng ilang residente sa presensya ng armadong grupo sa nasabing lugar.