• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Labi ng 1 pang NPA na Nasawi sa Engkwentro sa Camarines Sur, Natagpuan ng Philippine Army

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur- Isa pang labi ng pinaghihinalaang kasapi ng New Peoples’ Army o NPA ang natagpuan ng Philippine Army sa Sitio Panag, Brgy. Gibgos sa Bayan ng Caramoan sa Lalawigan ng Camarines Sur, alas 2:45 ng hapon, Enero 19.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng pursuit at tracking operations ang pinagsamang elemento ng 83rd Infantry Battalion, 91st Division Reconnaissance Company at K9 Tracking Team sa ilalim ng pamumuno ni 1Lt. Joseph Rodanim T. Acleta nang matagpuan nila ang nasabing bangkay ng rebelde sa bahay ng kinilalang si Emy Manlangit may 100 metro ang layo mula sa lugar na pinangyarihan ng engkwentro. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasawing rebelde na nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang paa at kaliwang bahagi ng tiyan. Nailipat na rin sa pangangalaga ng PNP Caramoan ang natagpuang bangkay para sa tamang disposisyon.  

Matatandaan na nitong Enero 18 nagkasagupa sa nasabing lugar ang mga sundalo at mga rebelde kung saan una nang naiulat na 2 NPA ang nasawi at 5 matataas na kalibre ng baril ang narekober ng mga militar.

Ayon kay BGen Ferdinand F. Quidilla, Commander ng 9ID, patuloy na magsasagawa ng mga security operations ang 9ID laban sa mga armadong rebelde upang paigtingin ang seguridad sa buong Rehiyon ng Bicol kasunod ito ng mga impormasyon na binibigay ng mga residente tungkol sa presensya ng mga rebelde sa kanilang lugar.