• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Pinning of Ranks para sa 4 Opisyal ng 9ID na Na-promote, Isinagawa

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur- Pinangunahan ni BGen. Ferdiand F. Quidilla, Commander ng 9ID ang Pinning of Ranks para sa 4 na bagong promote na mga opisyal sa 9th Infantry (Spear) Division na ginanap sa 9ID Multi-purpose Gym sa Camp Elias Angeles, alas 8:30 ng umaga, Enero 20.

Kabilang sa mga na-promote sina Col. Bernardo R. Fortez, Assistant Chief of Staff for Personnel, G1; Col. Michael M. Buhat, Assistant Chief of Staff for Operations, G3; Col. Jose Ricky A. Laniog, Commanding Officer ng 9th CMO Battalion at Col. Perfecto P. Pe├▒aredondo, Commanding Officer ng 2nd Infantry Battalion.

Kasabay sa kanyang pagbati sa mga bagong promote na opisyal, sinabi ni BGen Quidilla sa kanyang mensahe na ang promotion ay hindi lamang tanda ng pag-angat ng karera ng isang opisyal, isa rin umano itong paalala para sa mas higit pang mga responsibilidad na nakaatang sa kanilang mga balikat. Simbolo din umano ito ng pagtitiwala at pagkilala sa kanilang ipinamalas na abilidad sa patuloy nilang paglilingkod at pagganap sa kanilang mga tungkulin.