• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

NPA Patay sa Engkwentro sa Camarines Norte

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur-Isang armadong rebelde ang nasawi matapos na magkasagupa ang mga sundalo at New Peoples’ Army (NPA) dakong alas 7:00 ng umaga, Enero 26, sa Barangay Magsaysay sa Bayan ng Capalonga sa Lalawigan ng Camarines Norte.

Ayon sa ulat, nagresponde ang mga elemento ng 49th Infantry Battalion sa sumbong ng mga residente tungkol sa presensya ng mga armadong rebelde sa kanilang lugar nang makasagupa ng mga ito ang mahigit kumulang sa 3 NPA.

Agad na tumakas ang mga rebelde matapos ang 5 minutong palitan ng putok at naiwan sa pinangyarihan ang wala ng buhay na katawan ng isang NPA, isang kalibre .45, tatlong magazine na may 18 bala at isang cellphone.

Positibong kinilala ng mga opisyal ng barangay ang nasawi na si Marlon Villan y Poquita, 27 taong gulang, binata at residente ng mismong barangay ng pinangyarihan. Agad naman na kinuha ng kanyang mga kamag-anak ang bangkay ng nasawi at dinala sa St. Martha Funeral Homes sa Brgy. Poblacion, Capalonga, Camarines Norte.

Ayon kay Brig. Gen. Ferdinand F. Quidilla, Commander ng 9ID, ang pagbibigay ng impormasyon ng mga residente tungkol sa presensya ng mga armado sa kanilang lugar ay patunay lamang na sawa na sila sa mga pang-aabuso ng mga armadong rebelde.