• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Pinaghihinalaang NPA Nahuli sa Sorsogon

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur – Isang pinaghihinalaang miyembro ng rebeldeng New People’s Army o NPA ang nahuli ng pinagsamamg elemento ng 31st Infantry Battalion at Sorsogon Police Provincial Office sa Brgy. Calateo sa Bayan ng Juban sa Lalawigan ng Sorgogon, alas 6:30 ng umaga, Enero 28.

Kinilala ang nahuli na si Tobias M. Abarientos. Nakuha sa kanya ang isang laptop, mga medical at dental equipments at mga subersibong dokumento.

Ayon sa ulat, ang pagkakahuli kay Abarientos ay bunga ng isang impormasyon tungkol sa presensya ng mahigit kumulang sa 7 armadong rebelde sa nasabing lugar na agad na tinugunan ng Philippine Army at PNP na pinangungunahan ni Lt. Danielo P. Fugueras.

Si Abarientos ay nasa pangangalaga na ng Juban Municipal Police Station para sa pagsampa ng kaukulang kaso.

Ayon kay BGen Ferdinand F Quidilla, 9ID Commander, nagpapasalamat siya sa mga residente na patuloy na nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa presensya ng mga rebelde sa kanilang lugar. Patunay umano ito ng pakikiisa ng mga mamamayan sa 9ID para makamit na ang tunay na seguridad sa buong Rehiyon ng Bicol.