• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Tangkang Pananambang ng mga Rebelde sa Catanduanes Nabigo Matapos na Aksidenteng Sumabog ang Itinanim na IED

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur – Nabigo ang tangkang pananambang ng mga rebeldeng New People’s Army matapos na aksidenteng sumabog ang itinanim nilang Improvised Explosive Device sa may tabing kalsada ng Barangay Sagrada sa Bayan ng Viga sa Lalawigan ng Catanduanes, alas 10:55 ng umaga, Enero 28.

Pinaniniwalaang itinanim ng mga rebelde ang nasabing pamasabog para tamabangan ang mga pulis at sundalo na dadaan sa lugar para magsagawa ng COMELEC checkpoints kaugnay na rin sa paparating na National and Local Elections 2016.

Agad na naglunsad ng pursuit operations ang 83rd Infantry Battalion ng Philippine Army para tugisin ang rebeldeng grupo.

Kinukundina ng pamunuan ng 9th Infantry Division ang patuloy na paggamit ng mga NPA ng IED. Ito ay isang malinaw na paglabag sa karapatang pantao at mga alituntunin ng internasyonal na makataong batas na saklaw ng kasunduan sa ilalim ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) para sa garantiyang seguridad ng mga sibilyan o mga taong hindi aktibong kalahok sa labanan.