• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Mga Pinaniniwalaang Kagamitan ng mga Rebelde Natagpuan ng Army sa Catanduanes

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur – Isang kahon ng mga pinaghihinalaang kagamitan na pag-aari ng mga rebeldeng New People’s Army ang natagpuan ng mga sundalo sa isang abandonadong kubo sa Barangay Almojuela sa Bayan ng Viga sa Lalawigan ng Catanduanes, dakong alas 7:30 ng gabi, Enero 28.

Natagpuan ang nasabing kahon na naglalaman ng mga subersibong dokumento, kasama na ang mga campaign materials, printed banners at isang USB nang magsagawa ng pursuit operations ang 83rd Infantry Battalion sa pamumuno ni Lt. Jomar C. Clavel matapos na aksidenteng sumabog sa Brgy. Sagrada ng kaparehong bayan ang Improvised Explosive Device na itinanim ng mga rebelde para sa tangkang pananambang sa mga pulis at sundalo na magsasagawa ng COMELEC checkpoint.

Patuloy na pinapaigting ang seguridad sa naturang probinsya para mas matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan pagdating ng Halalan 2016.