• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

4 na IED Narekober sa Engkwentro sa Sorsogon

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur – Apat na Improvised Explosive Device (IED) ang narekober ng tropa ng pamahalaan makaraang maka engkwentro ang mga NPA dakong alas 6:00 ng umaga, Pebrero 12, sa Sityo Iraya, Barangay Sangat sa Bayan ng Gubat sa Lalawigan ng Sorsogon.

Ayon kay Lt. Col. Redentor E. Cabanisas, Commanding Officer ng 31st Infantry Battalion ng Philippine Army habang nagsasagawa ng strike operation ang pinag-isang pwersa mula sa 31st IB at PNP sa pamumuno ni 2Lt. Emmuel John Perez nang makasagupa ang mahigit kumulang 20 mga rebelde.

Bukod sa mga pampasabog narekober din sa lugar ng engkwentro ang 150 metro ng wires/switch, 100 rounds link ng M60 Caliber, dalawang backpack, isang cell phone at iba pang personal na kagamitan ng rebeldeng grupo.

Walang nasugatan sa magkabilang panig sa 20 minutong bakbakan. Patuloy pa ang isinasagawang pursuit operation sa mga nagsitakas na mga NPA.

Tiniyak naman ni Brig. Gen. Ferdinand F. Quidilla, Commander ng 9th Infantry Division na patuloy na nakabantay ang mga sundalo upang pangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayan laban sa mga karahasan na inilulunsad ng rebeldeng grupo.