• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Spear Troopers Nakiisa sa Bloodletting Activity sa Naga City

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur – Nakiisa ang 9th Infantry Division ng Philippine Army sa Bicol sa isang Bloodletting activity na pinangunahan ng GMA TV Bicol at Philippine National Red Cross at ginanap sa SM City Naga, Pebrero 10 kung saan 26 na Spear Troopers ang ipinadala nito para maging mga blood donors.

Nakiisa din sa nasabing blood-letting activity ang Philippine National Police, mga Barangay Health Workers ng Naga City at mga walk-in volunteer donors na galing pa sa ibat-ibang bayan ng Camarines Sur.

Samantala, kasabay sa nasabing aktibidad naglagay din ang 9ID ng Candidate Soldier recruitment booth. Layunin nito na mas mapalawak ang kaalaman ng mga nangangarap maging sundalo at kung anu ang mga kakayahan ng isang aplikante para makapasok sa serbisyo ng pagsusundalo.

Ang partisipasyon ng 9ID sa naganap na bloodletting activity ay pagpapakita ng suporta nito sa mga programa ng mga local at national media sa ating bansa bilang mga partner stakeholders sa pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan.