• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Commander ng 9ID, Philippine Army Na-promote sa ranggong Major General

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur – Nadagdagan ng isa pang estrelya ang ranggo nang kasalukuyang Commander ng 9th Infantry Division ng Philippine Army matapos na ma-promote si Maj. Gen. Ferdinand F. Quidilla mula sa ranggong Brigadier General.

Na-promote din sa ranggong Brigadier General ang dalawa niyang brigade commander na sina Brig. Gen. Claudio L. Yucot at Brig. Gen. Amador T. Tabuga Jr. nang 901st at 902nd Infantry Brigade ayon sa pagkakasunod mula sa ranggong Colonel. Ang mga na-promote na heneral ay binigyan nang arrival honors sa headquarters ng 9ID na bahagi ng “military tradition” na binibigyan ng pagkilala ang mga bagong promote kaakibat ang mas mataas na responsibilidad.

Nagpaabot naman nang pagbati si Lt. Gen. Ricardo R. Visaya, Commander ng Southern Luzon Command (SOLCOM) sa tatlong na-promote na heneral. Sinabi ni Lt. Gen. Visaya na nasa kalagitnaan pa lang nang unang kwarter ng 2016 ay marami na kaagad na accomplishments dahil sa pinalawak na Internal Security Operations. Nagresulta ito ng 10 kasapi ng NPA ang na-neutralize, 17 armas at iba pang mga kagamitan ng mga ito ang narekober ng mga sundalo karamihan mula sa 901st Brigade.

Tiniyak ni Maj. Gen. Quidilla na papaigtingin pa nito ang kampanya kontra insurhensiya upang mapanatiling ligtas ang ating mga kababayang Bikolano laban sa mga karahasang inilulunsad ng makakaliwang grupo.