• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Quarterly Socials Ginanap sa 9ID

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur – Naging tampok na bisita si AFP Southern Luzon Command Commander Lt. Gen. Ricardo R Visaya sa ginanap na quarterly socials sa headquarters nito na dinaluhan ng mga sundalo at iba pang mga bisita noong Pebrero 17.

Mainit ang naging pagtanggap sa ng mga Spear Troopers sa pangunguna ng bagong promote na si Maj. Gen. Ferdinand F Quidilla at iba pang mataas na opisyal sa 9ID.

Ayon kay Maj. Gen. Quidilla kahit bala ang mga sundalo sa pagtupad sa sinumpaang tungkulin bilang mga lingkod bayan ay may nakalaan din na oras para sa sarili at mga kasamahan sa trabaho na makasalamuha at makilala ng lubos ang bawat isa.

Layunin din nito na mapalakas ang uganayan at mapaganda ang samahan ng mga sundalo at mga kawani ng pamahalaan na magdudulot nang magandang serbisyo sa ating mga kababayan ditto sa rehiyong Bikol.

Kasabay na rin sa quarterly socials ang post Valentine’s day celebration na taon-taon din na ipinagdiriwang ng mga sundalo bilang pagbgay halaga sa kanilang mga mahal sa buhay at pakikiisa sa sambayanan sa mahalagang araw na ito, ang araw ng mga puso.