• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Kampo ng Militar sa Bikol Dinagsa ng mga Kabataang Estudyante

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur – Dinagsa ng mahigit sa 800 na mga kabataang estudyante at mga guro mula sa Jovellar National High School na dumayo pa mula sa Lalawigan ng Albay ang kampo ng militar sa Bikol na bahagi ng kanilang educational tour, Pebrero 19.

Ayon kay Isagani Dela Rama, Officer-in charge nang naturang eskwelahan, layunin nito na magkaroon nang kaalaman ang mga kabataang estudyante at mapuntahan ang mga mahahalagang lugar na bahagi na nang kasaysayan ng rehiyon ng Bikol tulad ng kampo militar at ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga sundalo.

Mainit silang tinanggap ng mga sundalo sa pangunguna ni Colonel Neneveigh L Alcovindas, Commandant ng 9th Infantry (Spear) Division, Philippine Army at nagbahagi ng kasaysayan ng Camp Elias Angeles.

Tulad sa mga naunang bumisitang mga estudyante mula sa iba’t-ibang eskwelahan sa Bikol inilibot din ang grupong ito ng mga estudyante at mga guro sa mga military facilities at landmarks ng kampo.

Ipinamalas din ng mga sundalo ang kahandaan hindi lang sa pakikidigma kundi sa mabilis din na pagtugon sa panahon ng kalamidad at emerhensiya sa kanilang audio/video presentation at static display.

Ayon kay Anjanette Silvano isa sa mga estudyante, hindi malilimutang karanasan at makabulohan ang pagbisita nilang ito sa 9ID na nagpayaman sa kanilang kaisipan at pagkilala na rin sa mga sakripisyo ng mga sundalo na patuloy na nagtataguyod ng kapayapaan.

Kinagigiliwan na ang pagbisita ng mga estudyante at ng iba pang grupo sa naturang kampo dahil sa kakaibang tanawin dito at pagkakataon na makasalamuha ang mga sundalo na naglilingkod sa bayan.