• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

9ID Nakiisa sa In Her Shoes Walk sa Naga City Kaugnay sa Pagdiriwang ng National Women’s Month

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur – Suot ang mga sapatos na may matataas na takong, nakiisa ang mga sundalo ng 9th Infantry Division sa ginanap na “In Her Shoes Walk 3” sa Plaza Quezon sa Naga City, umaga ng Marso 7.

Ang nasabing aktibidad na may temang “Fighting Sexual Harassment and Violence Against Women” ay pinangunahan ng National Youth Commission kaugnay na rin sa pagdiriwang ng International Women’s Day. Dinaluhan ito ng mga kasapi ng Philippine Army, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, mga estudyante ng Naga College Foundation at mga Youth Organizations.

Layunin ng nasabing aktibidad na mawakasan na ang mga pang-aabuso sa mga kababaihan. Ang pagsuot ng sapatos na may matataas na takong ay tanda rin ng pakiisa ng mga dumalo sa hirap na dinaranas ng mga kababaihan na kadalasang nagiging biktima ng mga pang-aabusong sekswal, emotional at pisikal.

Samantala, nagsagawa rin ng Simultaneous Flag Raising Ceremony ang 9ID kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng National Women’s Month at International Women’s Day na may temang “Kapakanan ni Juana, Isama sa Agenda”. Sinundan ito ng isang programa kung saan binasa ni Col. Milfredo M. Melegrito, Chief of Staff ng 9ID ang mensahe ng Punong Heneral ng Philippine Army na si Lt. Gen. Eduardo M. Año habang si Maj. Gen. Ferdinand F. Quidilla, naman ang nagbasa ng mensahe ni Hon. Voltaire Z. Gasmin, Secretary of National Defense.

Ang nasambit na Simultaneous Flag Raisng Ceremony ay isinagawa rin sa lahat ng military units sa Bicol na nasasakupan ng 9ID.

Ang pakikiisa ng 9ID sa mga nasabing pagdiriwang ay pagpapakita ng pagrespeto nito sa karapatan ng mga kababaihan at pagkilala na rin sa mga makabulohang ambag nila sa ating lipunan.