• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Philippine Army at NPA Nagkaengkwentro sa Albay

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur – Nagkaengkwentro ang mga sundalo at mga rebeldeng New Peoples’ Army sa may boundary ng Sitio Abibling, Brgy Tupas ng Ligao City at Sitio Manarang, Brgy Batbat ng Bayan ng Guinobatan sa Probinsya ng Albay, alas 12:00 ng tanghali, Marso 9.

Ayon kay Col. Perfecto P. Peñaredondo, Commanding Officer ng 2nd Infantry Battalion, nagsasagawa ng security operations sa lugar ang mga sundalo sa pamumuno ni Cpt. Richard Relloso ng makasagupa ng mga ito ang mahigit kumulang 4 na armadong NPA.

Walang nasugatan sa panig ng mga sundalo habang inaalam pa kung may nasawi o nasugatan sa mga rebelde na agad na tumakas matapos ang 3 minutong palitan ng putok.

Nagsagawa na ng pursuit operations ang mga sundalo laban sa mga tumakas na rebelde.

Ang naganap na engkwentro ay bunga na rin ng mas pinaigting na mga security operations ng 9th Infantry Division sa buong Rehiyon ng Bikol para matiyak ang seguridad para sa Halalan 2016.

Samantala, nagpapasalamat naman ang pamunuan ng 9ID sa mga residente sa lugar na nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa presensya ng mga rebelde sa kanilang lugar.