• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Mga kadete ng ROTC sa Bicol College nag-educational tour sa 9ID

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur – Muling binisita ng mga kabataang estudyante ang malawak na kampo ng Army sa Bikol kasunod ng educational tour ng mga kadete ng Reserve Officer Training Corps (ROTC) ng Bicol College na dumayo pa dito mula sa Legazpi City, Albay, Marso 13.

Ayon kay Prof. Salvador M. Madelas, Director ng National Service Training Program (NSTP) layunin ng pagbisitang ito ng mga kadete sa ROTC upang mabigyan sila ng kaalaman hinggil sa mahalagang papel na ginagampaman ng mga sundalo na nagsusulong ng katahimikan sa Bikol.

Pagkakataon na rin ito ng mga kadete na makita ang mga kagamitang pangdigma sa loob ng kampo na gamit ng mga sundalo laban sa masasamang grupo na magtatangkang manggulo sa rehiyon.

Nasilayan din ng mga kadete ang magandang tanawin sa loob ng kampo at mga dagdag atraksiyon tulad ng relics point kung saan makikita dito ang mga lumang armas na ginamit ng mga beteranong sundalo na nag-alay ng kanilang buhay para sa ating kalayaan.

Nakita rin ng mga ito ang heroes hall na sumisimbolo ng kabayanihan ng mga sundalo ng 9th Infantry Division na nag-buwis nang buhay para sa kapayapaan.

Ito na ang ika-tatlong pagkakataon na mabisita ng mga kadete mula sa naturang eskwelahan ang 9ID na bahagi ng kanilang training sa ROTC.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Maj. Gen. Ferdinand F. Quidilla, Commander ng 9ID sa pagbisitang ito ng mga estudyante at patuloy na pagtitiwala at suporta sa mga sundalo.