• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Marches and Bivouacs sa Mount Isarog inilunsad ng Philippine Army

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur – Mahigit kumulang 21 kilometro ang nilakad ng mga sundalo ng 9th Infantry Division ng Philippine Army kasunod ng dalawang araw nilang Marches and Bivouacs nitong week-end (Marso 19-20).

Nagsimula ang mga sundalo sa pamumuno ni Assistant Division Commander Brig. Gen. Allan F. Martin sa headquarters ng 9ID at nagtungo sa paanan ng Mount Isarog sa Barangay Tinangis sa bayang ito .

Ayon kay Brig. Gen. Martin layunin ng naturang Marches and Bivouacs na ito na mapalakas ang samahan ng mga sundalo. Binigyang diin niya ang kahalagahan nang naturang aktibidad bilang bahagi ng buhay ng pagiging isang sundalo. Bahagi na rin ito ng pagsasanay ng mga sundalo upang mapalakas ang pagkakaisa at maging angkop sa mga kilos sa aktuwal na paglulunsad ng operasyon sa mga kalaban.

Ilang serye na rin ng mga Marches and Bivouacs ang isinagawa ng 9ID at sa mga yunit na nasasakupan nito na bahagi ng tuloy-tuloy na pagsasanay at dagdag na mga kaalaman para sa mga sundalo.