• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Rebeldeng NPA Patay, 2 Matataas na Kalibre ng Baril Narekober ng mga Sundalo sa Engkwentro sa Camarines Sur

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Isang rebeldeng New Peoples Army ang nasawi habang 2 matataas na kalibre ng baril ang narekober ng mga sundalo matapos ang enkwentro sa Barangay Antolon sa Bayan ng Caramoan sa Lalawigan ng Camarines Sur, alas 12:15 ng tanghali, Marso 21.

 Nagsasagawa ng security operations sa lugar ang mga sundalo ng 83rd Infantry Battalion sa pangunguna ni Sgt Hapita ng makasagupa nila ang mahigit kumulang sa 15 armadong NPA.

 Mabilis na tumakas ang mga rebelde matapos ang 15 minutong palitan ng putok at naiwan sa lugar ng engkwentro ang wala nang buhay na katawan ng isang rebelde. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng rebelde sa kasalukuyan. Narekober din sa pinangyarihan ang dalawang M16 rifles at isang M203 Grenade Launcher, 2 bandoleers na may 4 magazine na kargado ng mga bala, kalahating sakong bigas at 2 backpacks na naglalaman ng mga personal nakagamitan at mga dokumento.

 Walang naiulat na sugatan sa panig ng mga sundalo.

 Agad naman na nagsagawa ng pursuit operations ang 83IB para tugisin ang mga tumakas na rebelde.

 Ayon kay Lt. Col. Eduardo D. Monjardin, Commanding Officer ng 83rd IB, ang naturang matagumpay na operasyon ng mga sundalo laban sa mga rebelde ay bunga ng mas pinaigting pa na mga security operations ng 83rd IB upang tugunan ang mga sumbong ng mga lokal na residente tungkol sa presensya ng mga rebeldeng grupo na nananakot at nangingikil sa naturang barangay.

 Samantala, nagpapasalamat naman si Maj. Gen. Ferdinand F. Quidilla, Commander ng 9ID sa pakikipagtulungan ng mamamayan laban sa rebeldeng grupo. Pinapurihan din ng Punong Heneral ang mga sundalo sa matagumpay nilang operasyon isang araw bago ang ika-119 na Anibersaryo ng Philippine Army. Sinigurado din niya na patuloy na babantayan ng mga sundalo ng 9ID ang buong Rehiyon Bikol para sa kaligtasan ng mga Bikolano laban sa banta at panganib na dala ng mga rebelde.