• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

2 NPA Patay, mga Armas at Bala Nasamsam sa Engkwentro sa Camarines Sur

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur – Dalawang kasapi ng New People's Army ang nasawi sa engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at mga rebelde dakong alas 5:55 ng hapon, Marso 21, sa Barangay San Rafael Norte sa Bayan ng Lupi sa Lalawigan ng Camarines Sur.

Nasamsam din sa rebeldeng grupo ang isang M60 Machine Gun, isang M16 rifle, isang KG9, isang granada, 22 Improvised Explosive Devices (IEDs), 15 backpacks, isang motolite battery, isang Solar Panel, electrical wires at mga bala.

Sa ulat na nakarating sa Punong Himpilan ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, nagsasagawa ng security operation sa lugar ang mga sundalo mula sa 92nd Division Reconnaissance Company sa pamumuno ni Lt. George Atolba nang makasagupa ang mahigit kumulang 30 armadong NPA.

Naiwan ng mga nagsitakas na mga rebelde ang bangkay ng dalawa nilang kasamahan na nasawi matapos ang bakbakan. Walang naiulat na nasawi o nasugatan sa panig ng pamahalaan.

Ayon kay Lt. Col. Arnel Bautista, Commanding Officer ng 49th IB, ang naturang matagumpay na operasyon ng mga sundalo laban sa mga rebelde ay bunga ng mas pinaigting pa na mga security operations ng 49th IB upang tugunan ang mga sumbong ng mga lokal na residente tungkol sa presensya ng mga rebeldeng grupo na nananakot at nangingikil sa naturang barangay.

Kaagad naman na naglunsad ng pursuit operation ang mga sundalo laban sa mga rebelde. Pinaigting ngayon ng Philippine Army ang paglulunsad ng mga combat at security operation sa lalawigang ito ng Camarines Sur upang mahadlangan ang mga karahasang inilulunsad ng NPA.

Tiniyak naman ni Maj. Gen. Ferdinand F. Quidilla, Commander ng 9ID na patuloy na babantayan ang kaligtasan ng ating kababayang Bikolano lalung-lalo na ngayong papalapit na eleksyon.