• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Sundalo at CAFGU na nakipagbakbakan sa mga rebeldeng NPA Binigyan ng Parangal

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur – Pinangunahan ni Lt. Gen. Ricardo R. Visaya, Commander ng Southern Luzon Command ang pagbigay ng parangal sa 33 sundalo at miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na nakipagbakbakan kamakaylan sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kasunod ng awarding ceremony na ginanap sa headquarters ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, Abril 5.

Apat na Gold Cross Medal Award ang naibigay na parangal sa isang sundalo mula sa 83rd Infantry Battalion at tatlo naman mula sa 92nd Division Reconnaissance Company; 21 Military Merit Medal Award sa mga sundalo ng 83rd IB, 49th IB at 92nd DRC; anim naman sa mga miyembro ng CAFGU ng 9ID at dalawang Silver Cross Medal Award naman ang ibinigay na parangal sa dalawang sundalo mula sa 2nd Infantry Division.

Matatandaan, magkakasunod na engkwentro ang naganap sa pagitan ng mga sundalo at mga rebeldeng NPA sa Barangay San Rafael Norte sa Bayan ng Lupi at Barangay Antolon sa Bayan ng Caramoan sa Lalawigan ng Camarines Sur na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang NPA at pagkasamsam ng matataas na kalibre ng armas, bala, mga IEDs at iba pang mga kagamitan.

Iginawad ang naturang mga parangal dahil sa ipinamalas na tapang ng mga sundalo ng 9ID sa pakikipaglaban sa mga rebelde at pagtupad sa sinumpaang tungkulin. Naibigay din ang parangal sa dalawang sundalo ng 2nd ID dahil naman sa ipinakitang determinasyon ng mga ito na nagresulta sa pagkakarekober ng mataas na kalibre ng armas (crew-serve- weapon) ng NPA sa Sityo Nawa, Barangay Morente, Bongabong, Oriental Mindoro noong Marso 20.

Malugod na pinaabutan ng pagbati ni Lt. Gen. Visaya ang mga sundalo dahil sa tagumpay ng kanilang operasyon laban sa mga rebelde.

Sinabi ng heneral unang kwarter pa lang ng taon sunod-sunod na ang mga accomplishment ng 9ID sa pamumuno ni Maj. Gen. Ferdinand F. Quidilla na insperasyon para sa mga sundalo upang mas lalo pang pag-ibayohin ang pangangalaga sa katahimikan at pagbigay ng serbisyo sa ating mga kababayan.