• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

9ID Muling dinagsa ng mga Kadete ng ROTC

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur – Muling dinagsa ng mga kadete mula sa Reserve Officer Training Corps (ROTC) ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) sa bayang ito ang malawak na kampo ng hukbong katihan ng Pilipinas o Philippine Army sa Bikol kasunod ng kanilang isang araw na educational tour, Abril 2.

Mahigit sa 400 na Basic and Advance ROTC cadets ang nag-camp tour at nasilayan ang mga magagandang tanawin at landmark na kinabibilangan ng relics point kung saan makikita dito ang mga lumang armas at kagamitang pang-digma na ginamit ng mga beteranong sundalo laban sa mga mananakop.

Kinilala rin ng mga kadete ang mga sundalong nagbuwis at nag-alay ng buhay para sa katahimikan ng Bikol sa pagtungo ng mga ito sa heroes memorial at nag-alay ng munting panalangin para sa katiwasayan ng mga namayapang sundalo.

Bahagi ng aktibidad ng mga kadete sa loob ng kampo ang “familiarization firing” at natutunan nila na ang paghawak ng baril ay may kaakibat na responsibilidad.

Nagkaroon din ng armor/artillery static display at obstacle and rappelling course demonstration na ipinamalas ng mga sundalo sa mga kadete.

Ito na ang pang apat na educational tour na isinagawa ng mga kabataang estudyante mula sa iba’t-ibang eskwelahan sa Bikol na dumayo pa dito, pinakahuli ang mga ROTC Cadets mula sa Bicol College, Legazpi City na bumisita noong nakaraang buwan ng Marso.

Malugod naman ang pagpapasalamat ni Maj. Gen. Ferdinand F. Quidilla, Commander ng 9ID sa pagbisitang ito ng mga kabataang estudyante at ng iba pang grupo na nagiging insperasyon para sa mga sundalo na mas lalo pang pag-ibayohin ang pagbibigay ng serbisyo sa ating mga kababayan.