• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Mataas na Kalibre ng Baril at mga kagamitan ng NPA Narekober ng Philippine Army sa Engkwentro sa Camarines Norte

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur – Isang M16 rifle, isang Improvised Explosive Device (IED), mga bala at iba pang kagamitan ng mga rebeldeng NPA ang narekober ng mga sundalo ng 49th Infantry Battalion sa isang engkwentro sa Sitio Kupido, Barangay Malaya sa Bayan ng Labo sa Lalawigan ng Camarines Norte, alas 12:12 ng tanghali, Abril 7.

Kabilang din sa mga narekober sa rebeldeng grupo ang mga backpack na naglalaman ng mga personal na kagamitan ng mga rebelde, rifle grenade, cellphone at mga subersibong dokumento.

Nagsasagawa ng security operation sa lugar ang mga sundalo ng 49th Infantry Battalion ng Philippine Army na pinamumunuan ni Lt. Marvin Labor ng makasagupa ng mga ito ang mahigit kumulang sa 10 armadong NPA.

Walang nasugatan sa panig ng mga sundalo habang inaalam pa kung may nasawi o nasugatan sa panig ng mga rebeldeng mabilis na tumakas matapos ang 15 minutong palitan ng putok.

Ayon Lt. Col. Arnel Bautista, Commanding Officer ng 49IB, ang naturang matagumpay na operasyon ng mga sundalo laban sa mga rebelde ay bunga ng mas pinaigting pa na mga security operations ng 49IB upang tugunan ang mga sumbong ng mga lokal na residente tungkol sa presensya ng mga rebeldeng grupo na nananakot at nangingikil sa naturang barangay.