• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Col. Rolando C. Manalo Pormal nang Itinalaga Bilang Bagong Commander ng 902nd Infantry Brigade

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur – Pormal nang itinalaga si Col. Rolando C. Manalo bilang bagong Commander ng 902nd Infantry Brigade ng Philippine Army sa Bicol bilang kapalit ni Brig. Gen. Amador T. Tabuga Jr matapos ang isang Change of Command Ceremony na ginanap sa Punong Himpilan nito sa Brgy. Tulay na Lupa, Labo, Camarines Norte na pinangunahan ni Maj. Gen. Ferdinand F. Quidilla, Commander ng 9ID, Abril 7.

Si Col. Manalo ay miyembro ng Philippine Military Academy Class 1986. Siya ay nag-umpisang maglingkod bilang Platoon Leader, Company Executive Officer at Company Commander sa 59IB, 2ID. Pinamunuan din niya bilang Battalion Commander ang 23IB, 4ID bago naging Commanding Officer ng 4th Military Intelligence Battalion. Nanungkulan din siya bilang Staff ng 4th Infantry Division at Unified Command Staff ng SOLCOM at General Headquarters ng AFP. Naging Chief of Staff din siya ng 2nd Infantry Division at Inspector General ng 7th Infantry Division bago maatasan na maging pinuno ng 902nd Infantry Brigade.

Nakapagtapos din siya ng Masters in Public Administration sa Philippine Christian University at National Security Situation Awareness sa Center for Strategic Studies Incorporated noong 2006.

Ang natanggap niyang mga karangalan ay tanda ng mahusay niyang paglilingkod sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Ilan sa mga ito ang Distinguished Service Star Medal, Long Service Medal, Sagisag ng Ulirang Kawal, Outstanding Achievement Medal, mga Military Merit Medals at karagdagan pa ditto ang mga Letter of Commendations at Certificate of Appreciations mula sa sektor ng mga sibilyan.

Sa mensahe ni Maj. Gen. Quidilla, inaasahan niya na mahusay na magagampanan ng bagong pinuno ng 902nd Infantry Brigade ang kanyang tungkulin. Naniniwala din ang Punong Heneral na may sapat na kakayahan si Col. Manalo para pamunuan ang mga opisyal at kawal ng 902nd Infantry Brigade dahil na rin sa kanyang mga karanasan at parangal na natanggap sa mga yunit ng military na dati niyang pinaglingkuran. Nagpasalamat din si Maj. Gen. Quidilla sa mga naging ambag ni Brig. Gen. Tabuga para sa katuparan ng mga matatagumpay na misyon ng 9ID sa buong Rehiyon ng Bicol.

Samantala, isang Command Plaque naman ang natanggap ni Brig. Gen. Tabuga bilang parangal sa mahusay niyang panunungkulan bilang pinuno ng 902nd Infantry Brigade.