• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Mga Lokal na Bayani ng Bicol Binigyan ng Pagkilala at Parangal sa Pagunita ng 9ID sa Araw ng Kagitingan

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur – Bilang parangal at pagkilala sa kanilang kabayanihan, tatlong gusali ng 9th Infantry Division ng Philippine Army ang ipinangalan alinsunod sa mga pangalan nina Gat Elias Lakandula Angeles, Col. Bonifacio “Bonny” Serrano, at Col. Juan Q. Miranda mga lokal na bayani ng Bicol matapos ang isang Recognition of Local Heroes Ceremony na ginanap sa Camp Elias Angeles, Abril 9 kasabay sa paggunita sa ika-74 na Anibersaryo ng Araw ng Kagitingan na may temang “Isang Buhay ang Kagitingan, Kapayapaan at Pagkaisahan Kamtin ang Mithing Kaunlaran.”

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni BGEN ALLAN F MARTIN, Assistant Division Commander ng 9ID at dinaluhan ng mga pamilya ng mga pinarangalang bayani ng Bicol.

Ayon kay Rev. Msgr. Zosimo M. Sañado H.P, Parish Priest ng St Jude Thaddeus, Naga City na siyang panauhing pandangal at tagapagsalita sa nasabing aktibidad, dahil sa mga bayaning nagbuwis ng kanilang mga buhay tinatamasa natin ngayon ang tunay na kalayaan, demokrasya at hustisya. Binanggit rin niya ang kasabihang “Ang di marunong lumingon sa pinangalingan ay di makararating sa paroroonan” kaya marapat lamang na bigyang pugay at pasalamatan ang ating mga bayani dahil utang natin sa kanila ang lahat kung anuman tayo ngayon at ang kanilang kabayanihan ay di matutumbasan ng anumang halaga.

Kasabay din sa seremonyang ginanap sa Albay ang paggunita sa selebrasyon na pinangunahan naman nina Gov. Joey Salceda ang presenteng gobernador ng Albay at MGEN FERDINAND F. QUIDILLA, Commander ng 9ID.  

Sinisiguro naman ng 9ID na pangangalagaan at babantayaan nito ang kalayaan at demokrasyang tinatamasa natin ngayon na pinagbuwisan ng buhay ng mga bayaning Bicolano.