• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

9ID Nakiisa sa Paggunita ng Araw ng Kagitingan sa Naga City

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur – Nakiisa ang 9th Infantry Division ng Philippine Army sa padiriwang sa ika-74 na Anibersaryo ng Araw ng Kagitingan na may temang “Isang Buhay ang Kagitingan, Kapayapaan at Pagkaisahan Kamtin ang Mithing Kaunlaran” na ginanap sa Monument of Unknown Soldier, City Hall Compound, Naga City, Abril 9.

Naging tampok sa aktibidad ang Flag Raising at Wreath Laying Ceremony na pinangunahan ni Hon. John G. Bongat, Mayor ng Naga City. Dumalo rin sa nasabing aktibidad si Maj. Gen. Ferdinand F. Quidilla, Commander ng 9ID bilang military host.

Ayon kay Mayor Bongat, ang ginanap na mga seremonya ay walang halaga kung hindi alam ng mga dumalo ang dahilan kung bakit ito ginagawa. Kailangan din na matutong lumingon sa pinanggalingan ang mga Bicolano dahil ang nakaraan ang magiging gabay ng kasalukuyan para sa mas magandang kinabukasan. Kailangan din na isabuhay natin ang sakripisyong ginawa ng ating mga bayani at dapat din na magsilbi silang inspirasyon sa atin para mas lalo pa nating mahalin ang ating bayan, dagdag pa ni Mayor Bongat.

Sa mensahe naman ni Maj. Gen. Quidilla, sinabi niya na nakikiisa ang 9ID sa pagdiriwang ng sambayanang Pilipino sa Araw ng Kagitingan. Ayon pa sa Punong Heneral, bilang pagkilala at pasasalamat sa kanilang kabayanihan, 3 gusali sa Punong Himpilan ng 9ID ang ipinangalan alinsunod sa pangalan ng tatlong bayani ng Bicol.

Naghandog rin ng 21 Gun Salute ang 9ID bilang pagpupugay at pagdakila sa mga bayaning nagbuwis ng kanilang mga buhay.

Kasabay sa nasabing aktibidad ang pagdiriwang ng Philippines Veterans Week bilang pagkilala naman sa kabayanihan ng ating mga beterano na gumanap ng mahalagang papel para sa ating kalayaan.