• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Bagong Commandant ng 9th Division Training School Pormal na Itinalaga

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur – Pormal nang itinalaga si Maj. Benjamin O. Lonogan bilang bagong Acting Commandant ng 9th Division Training School ng 9th Infantry Division ng Philippine Army matapos ang Turnover of Command Ceremony na pinangunahan ng Commander ng 9ID na si Maj. Gen. Ferdinand F. Quidilla, Abril 18.

Si Maj. Lonogan ay dating Executive Officer ng 22nd Infantry Battalion bago siya naatasan na pumalit kay Lt. Col. Beerjenson N. Aquino na dating Officer-in-Charge ng 9DTS na siya ring Assistant Chief of Staff for Education and Training, G8 ng 9ID.

Ayon kay Maj. Gen. Quidilla, isang malaking hamon para sa isang junior officer na pamunuan ang isang training school pero malaki ang paniniwala niya sa kakayahan ni Maj. Lonogan kaya alam niya na mahusay nitong magagampanan ang kanyang tungkulin.

Malaki naman ang pasasalamat ni Maj. Lonogan sa tiwalang ibinigay sa kanya para pamunuan ang isa sa mga sensitibong posisyon sa 9ID.

Sa 9th DTS hinuhubog ang mga Candidate Soldiers para maging magagaling at disiplinadong sundalo. Dito rin isinasagawa ang mga pagsasanay para mas malinang ang mga kakayahan ng mga kawal ng 9ID.