• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

9ID Commander Pinangunahan ang Turnover of Command Ceremony sa 22IB

 

 

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur – Pinangunahan ni Maj. Gen. Ferdinand F. Quidilla, Commander 9ID ang Turnover of Command Ceremony para sa bagong Commanding Officer ng 22nd Infantry Battalion ng Philippine na ginanap sa Punong Himpilan nito sa Barangay Caroyroyan, Pili, Camarines Sur, Abril 19.

Pormal na itinalaga sa nasabing okasyon si Col. Michael M. Buhat bilang bagong Commanding Officer ng 22IB na CAFGU Battalion ng 9ID bilang kapalit ni Col. Andrew D. Costelo na Chief of Staff na ngayon ng 9th Infantry Division.

Si Col. Buhat ang dating Assistant Chief of Staff for Operations ng 9ID at dati rin siyang Battalion Commander ng 49th Infantry Battalion na nakabase sa Labo, Camarines Norte.

Sa kanyang mensahe, nagpaabot ng pasasalamat si Col. Costelo sa mga CAFGU, kawal at opisyal na buong-pusong nagtiwala sa kakayahan niya sa panahon ng kanyang pamumuno bilang Commanding Officer ng 22IB.

Kasabay naman sa pangakong gagampanan niya ng buong husay ang bagong tungkulin, nagpasalamat din si Col. Buhat sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Maj. Gen. Quidilla para maging bagong pinuno ng 22IB.

Samantala, sa mensahe ni Maj. Gen. Quidilla, pinapurihan niya si Col. Costelo sa naging mahusay nitong pamumuno sa 22IB kung saan 2 sa mga CAFGU nito ang itinanghal na Best CAA sa tatlong magkakasunod na taon ng 2014 hanggang 2016.

Tiwala naman ang Punong Heneral sa kakayahan ni Col. Buhat bilang bagong pinuno ng 22IB. Ayon pa kay Maj. Gen. Quidilla, handang-handa na si Col. Buhat para sa bago nitong tugkulin, hindi lamang dahil sa mga military schoolings nito kundi dahil na rin sa mga karanasan nito na mamuno sa ibat-ibang posisyon.