• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Public Information Officers Forum (PIOF) at 2nd Quarter Media Fellowship Ginanap sa 9ID

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Dumalo ang mga Public Information Officers at Public Affairs Non-Commissioned Officers ng mga Philippine Army units na nasasakupan ng 9th Infantry Division at iba pang yunit ng Philippine Army sa Rehiyon ng Bicol kasama ang 5 estudyante mula sa Central Bicol State University of Agriculture sa Public Information Officers Forum na ginanap sa Officers Clubhouse ng 9ID, Hulyo 28.

Layunin ng nasabing forum na mas mapaganda ang media relations activities ng 9ID at malinang ang kakayahan ng mga dumalo sa paggawa ng mga Press Release at iba pang public affairs materials.

Naging paksa sa naganap na Public Information Officers Forum (PIOF) ang Roles and Tools of Public Relations Officers/Public Information Officer na tinalakay ni Mr. Ed Yu, Regional Spokesperson, National Irrigation Administration-Bicol at Writer/Columnist ng Bicol Reporter. Ibinahagi naman ni Ms. Ana-liza Sapinoso-Macatangay, Provincial Head ng Public Information Agency (PIA) Camarines Sur ang kanyang mga kaalaman tungkol sa Protocol on Media Releases.

Pinaliwanag naman ni Prof. Jose Van B. Galvo, Public and Media Relations Officer ng Mariners Polytechnic Colleges, Naga City ang kahalagahan ng Public Information habang tinalakay naman ni Mr. Arnel F. Eclarinal, GMA7 Correspondent at President ng 9ID Press Corps ang mahahalagang bagay na dapat malaman ng mga dumalo tungkol sa Radio Broadcasting.

Bilang bahagi sa mga aktibididad ng nasabing forum, binisita rin ng mga dumalo ang News Center ng ABS CBN Regional Network Group, DWRB Radyo ng Bayan Naga, BBS-DWLV at DZNG Bombo Radyo Naga.

Naisakatuparan ang naganap na PIOF sa pakikipagtulungan ng 9ID Press Corps na siyang na nagsilbing facilitator sa nasabing forum.

Samantala, kinagabihan, kasunod sa ginanap na PIOF dumalo naman ang mga kasapi ng media sa Rehiyon ng Bicol sa 2nd Quarter Media Fellowship na ginanap din sa kaparehong lugar. Nabigyan dito ng pagkakataon ang mga dumalo sa PIOF na makasalamuha ang mga kasapi ng media na katuwang ng 9ID upang maipaabot sa mga Bikolano ang mga serbisyo at papel na ginagampanan ng mga sundalo.