• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

9ID Todo suporta sa Bagong pamunuan ng KBP

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Todo suporta ang 9th Infantry Division ng Philippine Army sa bagong pamunuan ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) Camarines Sur Chapter kasunod ng Oath Taking and Testimonial Ceremonies na ginanap sa Don Mariano Hall, Villa Caceres Hotel, Magsaysay Avenue sa Lunsod ng Naga, Hulyo 30.

Pinangunahan ni Alkalde John G. Bongat ng naturang lungsod ang panunumpa sa katungkulan ng mga bagong opisyal ng KBP local chapter sa pamumuno ni Chairman Romar B. Vasquez, Station Manager ng MBC-Love Radio.

Si Sec. Salvador Panelo, Presidential Legal Counsel naman ang nagpasumpa sa katungkulan sa mga bagong kasapi ng KBP Community Advisory Board (CAB) sa pangunguna ni Don Robert Lee Obiedo na nirerepresenta ang Business Sector. Kabilang din sa kasapi ng CAB ang Commander ng 9ID na nirerepresenta naman ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Mayor Bongat malaking papel ang ginagampanan ng Media sa sosyodad lalo na sa mithiin nang bagong pangulong Rodrigo Roa Duterte na magkaroon ng tunay na pagbabago na masugpo ang kriminalidad, druga, katiwalian patungo sa pag-unlad ng bansa.

Malakas anya ang implwensiya ng media maging ang mga mambabatas ay nakikinig sa mga isyung tinatalakay ng mga broadcaster na pinaniniwalaan ng mga taga pakinig.

Nakakabuo din ng mga kuro-kuro at opinyon   ang mga balita at isyung  ipinapalabas sa media na nakakuha ng atensiyon upang tugonan ng pamahalaan at ng iba pang sektor sa lipunan.

Nagpaabot naman ng pagbati si Lt. Gen. Quidilla sa mga bagong opisyal ng KBP kasabay ng katiyakan na makikipagtulongan sa lahat ng mga programa nito na makatutulong sa ating mga kababayang Bikolano.