• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Multi-Sectoral Advisory Board (MSAB) ng 9ID Nagpulong sa CWC

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Pinangunahan ni Col. Gavin D. Edjawan, Assistant Division Commander ng 9ID ang pagpupulong ng mga kasapi 9ID Multi-Sectoral Advisory Board na ginanap sa Camarines Sur Water Sports Complex, Brgy. Cadlan, Pili, Camarines Sur noong Hulyo 25.

Pinag-usapan sa nasabing pagpupulong ang matagumpay na mga programa na nagawa ng 9ID MSAB sa pamumuno ni Msgr. Zosimo M. SaƱado mula ng ito ay mabuo noong Agosto 8, 2014.

Ang 9ID MSAB ay binubuo ng 9 na kasapi na siyang kumakatawan sa ibat-ibang sektor ng lipunan sa rehiyon ng Bikol. Sila ang nagsisilbing boluntaryong katuwang ng 9ID sa paglikha ng mga kinakailangang programa at suporta mula sa ibat-ibang stakeholders na may kaugnayan sa pagpapatupad ng Army Transformation Roadmap (ATR) upang maisakatuparan ang layunin ng Philippine Army na maging world-class Army sa taong 2028.

Napag-usapan din sa naganap na pulong ang pagpapalawig ng termino ng mga kasapi ng 9ID MSAB dahil sa malapit ng matapos ang kanilang termino ngayong paparating na Agosto 8. Binigyan ng pagkakataon ang bawat kasapi na makapagsalita tungkol sa kanilang saloobin sa pagpapalawig ng kanilang termino bilang mga kasapi ng board kung saan halos lahat ay nagkumpirma na patuloy silang makikiisa sa 9ID bilang mga kasapi ng MSAB.

Ayon kay Col. Edjawan, ang mga miyembro ng MSAB sa National Level o sa General Headquarters ng AFP at Headquarters ng Philippine Army ay may tuloy-tuloy na termino sa layunin na maipagpapatuloy ang mga programa at proyekto na kanilang nasimulan at mapangalagaan ang mga natamong tagumpay nito. Mas magiging epektibo ang mga MSAB sa mga subordinate units ng AFP kung tutularan ng mga ito ang kaparehong sistema, dagdag pa ni Col. Edjawan.

Samantala, nagpasalamat naman si Col. Nilo R. Perfecto, Division Inspector General ng 9ID sa mga kasapi ng 9ID MSAB sa malaking ambag nila sa patuloy na pagtaas ng puntos ng 9ID sa isinasagawang Annual Inspection ng Philippine Army Inspector General.

Dumalo rin sa nasabing pagpupulong si Col. Andrew D. Costelo, Chief of Staff ng 9ID kasama ang mga 9ID staff officers.