• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Lokal na Bayani ng Bicol Binigyan ng Pagkilala ng 9ID

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Isang gusali sa Camp Elias Angeles ang ipinangalan kay Col. Felix Plazo, isa sa mga lokal na bayani ng Bikol, sa ginanap na Recognition of Local Heroes Ceremony sa Punong Himpilan ng 9th Infantry Division, alas 10:00 ng umaga, Agosto 4.

Ang gusali ng Camp Elias Angeles Station Hospital ay ipinangalan kay Col. Felix Plazo bilang pagkilala ng 9ID sa kanyang di matatawarang pagsakripisyo at kabayanihan upang makamit ng kasalukuyang henerasyon ang tinatamasang demokrasya at kalayaan.

Si Felix Plazo ay ipinanganak sa Tigaon, Camarines Sur noong 1868. Nag-aral siya sa Seminario Conciliar de Nueva Caceres sa Naga sa loob ng apat na taon. Namasukan siya bilang kawani sa opisina ng Guwardiya Sibil. Makalipas ang ilang taon, naging Corporal na siya sa Guwardiya Sibil at nanungkulan din siya bilang jail warden sa Naga.

Pinamunuan nila ni Col. Elias Angeles ang mga Pilipino sa pag-aaklas laban sa mga Kastila noong Setyembre 18, 1898 upang palayain ang Nueva Caceres (ngayon ay Naga City). Nanungkulan din siya bilang isang Lieutenant Colonel sa ilalim ng pamumuno ni Gen. Ludovico Arejola sa panahon ng pakikidigma ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano.

Dumalo sa programa ang mga kamag-anak ni Col. Plazo upang saksihan ang seremonya at espesyal na pagkilala ng 9ID para sa kabayanihan at sakripisyo ng kanilang ninuno.  

Ang seremonya ay pinangunahan ni Hon Jose Maria Clemente S. Salceda, representative ng ikalawang distrito ng Albay bilang panauhing pandangal.