• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Change of Command Ceremony sa 9ID Pinangunahan ng Vice Commander ng Philippine Army

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Pinangunahan ni Maj.  Gen. Rodolfo Demosthenes C. Santillan, Vice Commander ng Philippine Army ang Change of Command Ceremony ng 9th Infantry Division, Philippine Army sa Brig. Gen. Lukban Grandstand, Alas 9:30 ng umaga, Agusto 16.

Pinalitan ni Maj. Gen. Manolito P. Orense ang Outgoing 9ID Commander na si Lt. Gen. Ferdinand F. Quidilla na nanungkulan na sa pwesto bilang Commander ng Southern Luzon Command ng AFP na nakabase sa Camp Guillermo Nakar sa Lucena City nitong Agusto 15.

Si Maj. Gen. Orense na tubong Quezon City ay kasapi ng PMA Class “MATIKAS” 1983. Dati siyang Inspector General ng Philippine Army.

Ikinagalak ni Maj. Gen. Orense ang bago niyang pwesto na isa anyang malaking  biyaya nang Poong Maykapal. Nagpaabot din siya ng pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Commander in Chief ng AFP, Gen. Ricardo R. Visaya, Chief of Staff ng AFP,  at sa Commanding General ng Philippine Army na si Lt. Gen. Eduardo M. Año  dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya upang pamunuan ang Philippine Army dito sa Bikol.

Ipinahayag din niya ang kanyang suporta sa mga programa ng Southern Luzon Command para sa Bicol Region.

Inaasam ng bagong Commander ng 9ID na sa nalalabing 16 na buwan ng kanyang serbisyo ay magiging makabuluhan ang kanyang panunungkulan sa tulong ng kanyang mga subordinate units at ng mga stakeholders.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Lt. Gen. Quidilla  sa siyam na buwan ng kanyang panunungkulan bilang pinuno ng Philippine Army  sa Bikol at sa suportang ibinigay sa kanya ng kanyang mga tauhan, ng  mga Bikolano, ang laging nakaantabay na Multi-sectoral Advisory Board (MSAB) at sa mga kagawad ng media na nagpapahayag ng kanyang mga programa at mga naging akomplesiyemento.