• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Unang Batch ng “Alay sa Bagong Buhay Program” para sa mga drug dependents ng LGU-Pili, Ginanap sa Kampo 9ID

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- 143 na drug dependents at sangkot sa illegal drug trade ang boluntaryong sumuko sa lokal na pamahalaan ng bayang ito ang ipinasailalim sa isang araw na lecture at values formation seminar na ginanap sa Multi-Purpose Gym sa Headquarters ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, Agosto 18.

Ito ang unang batch ng mahigit kumulang 1,000 sumukong indibidwal na sangkot sa iligal na druga na ipinasailalim sa “Alay sa Bagong Buhay Program” ng LGU-Pili, kasunod ng pinaigting na kampanya ng pamahalan laban sa iligal na droga..

Ayon kay Mayor Tomas Bongalonta ng naturang bayan, patuloy siyang nakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan, tulad ng TESDA para sa mga programang pangkabuhayan ng mga dating sangkot sa iligal na droga.

Handa rin na makipagtulungan ang bagong Commander ng 9ID na si Maj. Gen. Manolito P. Orense para sa makabuluhang programang ito na magbibigay daan para sa tuloy-tuloy na pagbabagong buhay  ng mga sangkot sa droga.

Binigyang diin ni Maj. Gen. Orense na lahat ng suliranin ay may kaakibat na solusyon kung atin itong haharapin na may kasamang pananalig sa Maykapal.

Hindi anya sapat na dahilan ang kahirapan upang masadlak sa masamang gawain tulad ng pagkakasangkot sa iligal na droga. Aniya, kailangan lang ang sipag at tiyaga upang malabanan ang kahirapan.

Nagsagawa naman ng clean-up drive sa loob ng 9th Infantry Division Headquarters ang mga nakilahok sa naturang programa.