• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Mga Drug Dependents sa Bayan ng Pili na Sumuko sa Operation Tokhang Ipinasailalim sa Values Formation Seminar sa 9ID

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Muling binuksan ng 9th Infantry Division ang 9ID Multi-purpose Gym sa Camp Elias Angeles para sa pangalawang Values Formation Seminar na inilunsad ng LGU-Pili para sa mga drug dependents at personalidad na nasangkot sa droga at kusang sumuko sa mga awtoridad, alas 8:00 ng umaga, Agosto 26.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng 396 personalidad na handang harapin ang pagbabagong buhay sa ilalim ng “Alalay sa Bagong Buhay Program” na pinangunahan ng LGU-Pili sa pamumuno ni Hon. Mayor Tomas Bongalonta katuwang ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng DepEd, DSWD, DOLE, TESDA, PNP at Philippine Army. Matatandaan na nitong nakaraang Agosto 18 lamang ay 143 katao din ang ipinasailalim sa kaparehong aktibidad.

Ayon kay Col. Neneveigh L. Alcovindas, Commanding Officer ng Headquarters Service Battalion, ang pagpapagamit ng 9ID sa mga pasilidad nito para sa nasabing programa ay pagpapakita ng pakikiisa nito sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Naging panauhing pandangal din sa nasabing aktibidad si Police Chief Superintendent Melvin Ramon G. Buenafe, Acting Regional Director ng Police Regional Office 5. Ayon sa kanya, isang napakagandang opurtunidad para sa mga dating drug dependents ang programa ng LGU-Pili na may layunin na mabigyan ng isa pang pagkakataon ang mga dating drug dependents na tahakin ang tamang landas ng buhay.

Nagtapos ang nasabing aktibidad sa tree planting na ginanap sa loob ng Camp Elias Angeles.